Tuesday, May 10, 2016

Tunay na pagbabago?

Bago ang lahat, mabuti sigurong sabihin ko munang taga-Davao region ako. At alam nyo na parang by default kung sino ang sinusuportahan kong tumatakbong presidente ng Pilipinas. “D” para sa Davao, “D” na default at “D” para kay Duterte at hindi “D” for Donald Trump ha?
Photo via facebook.com/rodyduterte. Some rights reserved.
Photo via facebook.com/rodyduterte. Some rights reserved.
Oooopss…teka, teka. Wag ka munang lumipat ng page. Magbasa ka muna nang malaman mo kung ano ang gusto kong sabihin. Mamaya ka na mag-mura. Mamaya ka na rin humusga. Hindi ako nangangampanya; gusto ko lang mag-share ng napagmuni-muni ko. May isa pa kasing “D” akong sasabihin sa inyo. Okay ba, kabayan?
Sa kabila ng kawalan ng malaking makinarya sa pangangampanya, sa kabila ng mga maaanghang na salita nung una siyang nagpahiwatig na tatakbo bilang pangulo at sa kabila ng paggiging nag-iisang kandidato bilang pangulo na di nakaranas ng nationwide campaign, napansin kong tila unti-unting umuugong ang kanyang pangalan. Sa paglapit ng mga araw tungo sa araw ng election, tila ba dumarami na rin ang mga supporters ni Davao Mayor Rody Duterte.
Ang sikat na mga slogans nya ay “Tapang at Malasakit,” “Change is Coming” at “Tunay na Pagbabago.” Ayos ano? Yong una, parang sinasabing matapang nga pero may pusong mamon naman. Madumi nga ang bibig pero di naman nagnanakaw sa kaban ng bayan dahil may malasakit sa mga taong nagpapakahirap magbayad ng buwis. Kaibigan nga ng mga Moro at rebelde pero kapayapaan naman ang long-term goal. Hmmm…pogi points lahat, sa tingin ko.
Eto ngayon ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Change. Pagbabago. Padating ang pagbabago pag nahalal na pangulo si Duterte. Yan ang pinupuntirya ng mga think tanks ni Rody na nasa likod ng mga slogans na ito. Yan din ang unti-unting nagiging gusto ng mga sumusuporta sa kanya na hindi lang mga taga-Davao region.
For the rest of the article, please read: Tunay na pagbabago?



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...