Tuesday, December 30, 2014

Isang sulyap kay Lolo Jose sa Dapitan

(This article originally appeared in Buhay Pinoy of the Philippine Online Chronicles on December 30, 2014, Rizal's 118th Death Anniversary)



Tawagin kaya natin siyang “Lolo Jose,” malamang na naging tawag sana sa kanya ng marami kung hinayaan siyang mabuhay nang matagal. Ang aking tinutukoy ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.

Narito ang aking “Rizal Day tribute” para sa kanya.


Marahil kung nabubuhay pa si Lolo Jose, sa Dapitan siya magreretiro. Itinapon siya ng mga Kastila doon noong ika-17 ng Hulyo, taong 1892. Apat na taon rin siyang nanatili doon, mga taong ginugol nya sa maraming bagay; mga taong ginamit nang maayos sa halip na magmukmok sa ngitngit sa mga Kastila. Pinabalik siya sa Maynila noong ika-18 ng Hulyo, 1896, limang buwan bago siya barilin sa Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896.

Isang malaking karangalan para sa mga taga-Mindanao at lalo na sa mga Dapitanon na naging mahalaga para kay Lolo Jose ang Dapitan. May mga palatandaang makikita sa bayan na nagbibigay pugay sa ating bayani: isang monument ng kanyang pagdating, isang malaking krus, at isang mapa ng Mindanao na gawa nila ni Fr. Francisco de Paula Sanchez, SJ, paborito niyang guro sa Ateneo de Manila. Ngunit ang pinakamagarang palatandaan na yata ng pananatili ni Lolo Jose sa Dapitan ay ang Rizal Shrine.

Hahayaan ko na ang mga libro at guro ng kasaysayan na magkuwento ng tungkol sa pagtira ni Lolo Jose sa Dapitan. Pero hayaan nyo rin akong dalhin ko kayo sa Rizal Shrine kasama ang aking pamilya. Para ito sa mga hindi pa nakapunta doon. Masasabi kong mas mainam pa ang isang pagbiyahe sa Rizal Shrine kaysa ilang oras na pakikinig sa mga lectures, lalo pa kung nakakabagot ang mga ito.

Tara na, sa Rizal Shrine!


Bakod ng Rizal Shrine.
View na makikita mula sa Rizal Shrine.

Read more and view more photos at Isang sulyap kay Lolo Jose sa Dapitan.

2 comments:

  1. wala siyang monument dun ateng?

    -Steelgate

    ReplyDelete
  2. Meron, Kuyang, kaya lang kasama ako eh. Hehe. Maliit na bust lang nya ang nasa Shrine. Pero merong malaki sa Dapita mismo. Wala pa ata nung tumungo kami dun,

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...